“Talo talo na ba?” -Rex
‘Yan siguro ang phrase of the day para sa akin. Teka, phrase nga ba ‘to? Haha! I think so. Well, let me start the chika na.
May 28, 2012. Book Fair sa BPSU (Bataan Peninsula State University) 1Pm ang usapan na magkikita kita sa Trade/BPSU. So, past 12 pa lang, naligo na ako para hindi ako nagmamadali. 1:00, tinext ko si Rex.
“Bes.”
“Oh?” -Siya.
“Ayos ka na?”
“I mean nakaayos ka na?”
“Ou.” -Siya.
“Tara na?”
“Wait lang.” -Siya.
So, after ilang minuto, tinext ko na siya uli at pumunta na kami sa Balanga. Nung nasa jeep kami, ang dami na naming napagkwentuhan. Kung anu ano. Dumating kami sa 7eleven at nandun na si Eunice. Hinihintay kami. Pagdating namin,
“Sana sinuot mo na din Superman mo para partner kayo.” -Eunice
“Nasuot ko na ‘yun. Kahapon.” -Rex
“Nung birthday ng pamangkin ko.” -Ako
(Emeghed! Edi kung ‘di niya pa nasusuot, okay lang sakania na partner kami? Lelele. Oops! ASSUMING!)
So, ayun. Ang tagal ng mga kasama namin. Nung tinanong ko kung sinu sino kami, sabi ni Eunice, si Jerome, Jarey, Tricia tas kaming tatlo nila Rex.
“Ayos ‘yun. Partner partner.” -Eunice
Sila ni Rex, Ako at Jeje tapos Pat at Jarey. Eeeeh?
Dumating na sila at nagpunta na kami sa Trade. Lagi silang magkasama ni Eunice at ayoko naman sumingit. Kailangan nila ng time na mag-best friend dahil lagi nalang siya na kay Pat. Moment nila ‘yun. Kaya, kay Pat ako nakadikit.
After sa BPSU, nagpunta kami sa BC para igala sila dun. Feeling ko nga may ilangang nagaganap e. Ewan ba. Hahaha. Tapos nagkayayaan kumain. Una, sa Pizza Hut dapat kaso walang pera si Cess kaya napunta kami sa Greenwich. Nung nasa pila na kami, tinanong niya ako kung ano daw order ko. Edi sinabi ko. Bla bla bla* Kumain kami e may spag kaming order. Sabi niya,
“Gayahin natin si Ina. *May hawak na spoon & fork.” -Siya.
“Si Ina na naman nakita mo.” -Eunice
“Eh siya kasi yung unique.” -Siya
(Woo. Lagi ako napapansin. Haha! ASUMMING!)
After namin sa Greenwich, nagpunta kami sa dati naming school – APCAS. Tumambay na parang dun pa din nag-aaral. Grabe. Sobrang mamimiss ko talaga ‘yung school na ‘yun. 😦 🙂
Umupo kami sa bench sa may ground then okay naman. Masaya. :)) Tapos nagpunta kami sa Dona Francisca Park. Nag-swing sila Rex tapos nagkwentuhan kami nila Eunice. Kung anu ano. Masaya pa din. Haha. Tapos parang ewan. Para talagang may something. Tapos e si Pat saka si Denver naglalandian sa text. Bla bla. Ganun. Tapos sabi ni Rex,
“Ano ba? Talo talo na ba?”
Tapos parang naisip ko na kaya siguro hindi niya ako magustuhan kasi ayaw niya ng talo talo. Gusto niya FRIENDS lang. Hm.
Tapos edi uwian na. Hinatid namin si Eunice tapos naiwan na kami. Nung paalis na kami, nauuna sila Jarey, Jerome, Mante at Tricia. Tapos ako, huli. May nagtext kasi sakin. Nung napansin kong medyo malayo na ako sa kanila, tumakbo ako sa tabi ni Rex tapos sabay kami.
Pagbaba namin sa daan nila Eunice, humiwalay na sila. Kami nalang ni Rex ang naiwan. Kwentuhan.. Sumakay kami ng trike papuntang terminal tapos ako muna nagbayad. Namiss ko yung ganun. Yung salitan kami sa pagbabayad. (Jowa ang peg! Haha) Sumakay kami sa jeep tapos siya yung nagbayad. Bla bla.
Tahimik kami. Madalang mag usap. Pagod na e. Tapos may kinwento siya. Dumating kami sa plaza ng Abucay tapos nagpaalam na siya.
“Dito na ako sasakay ha?”
“Sige, bye. 🙂” -Ako
Ayun. Tapos nung nasa bahay ako. May nagtanong manligaw sakin. Syempre, pumayag ako. Gusto ko lang naman itest kung seryoso. Tapos naisip ko na naman si Rex. TULOY O AWAT na? Haay. Sabi ni Eunice, piliin ko nalang daw kung san kami mas magtatagal ni Rex at ‘yun yung FRIENDSHIP.
Napaisip ako. Nung nakahiga na ako, naisip ko.
“Sabi nila, follow your heart. Eh bakit kapag finollow mo yung heart mo, dun kapa lalong nasasaktan?”
Tapos nakapag-decide na ako. AWAT NA. Tama na ‘yung follow your heart. Follow your mind naman. Tapos nung mag-GM na ako ng Good night, nung tiningnan ko yung App ko na Inspirational Quotes, lumabas eto..
“Your time is limited, don’t waste it living someone else’s life. Don’t be trapped by dogma, which is living the result of other people’s thinking. Don’t let the noise of other’s opinion drowned your own inner voice. And most important, have the courage to FOLLOW YOUR HEART and intuition, they somehow already know what you truly want to become. Everything else is secondary.”
Kaya eto. Naguguluhan na naman ako. Tapos napaniginipan ko pa siya – KAMI NA DAW. Ang kiseg. Haha. Ugh.
“Talo talo na ba?“