Mixed Emotions

MIXED EMOTIONS. Bakit? Alam niyo naman na first day ng klase ngayon sa ibang schools and universities. At isa ako sa may pasok na. (Baka hindi masyado maging active sa tumblr :<)

Haaaaaaaaaaaaaaaaaay.

May pasok na ba talaga? At teka, college na ba talaga ako? Grabe lang. Kagabi, sabi ko kay Mama, “Ma. Hatid mo naman ako bukas.” Natawa si Mama kasi para akong elem na nagpapahatid. “Haha. Osige.” “Joke lang.” sabi ko.

Nakakamiss maging bata. Hindi ko maisip na college na ako at hindi na high school na pa-easy easy lang. :3 Grabe talaga. REAL WORLD na daw ang college. Kasi ‘yun na yung bridge para maging successful ka.

Mixed Emotions kasi kinakabahan ako pero I’m soooo excited. As in. Pero nakakakaba. Nung nag-enroll kasi ako, matunog yung heels ko. Ang sama tumingin ng mga tao. Grabe. As in ulo hanggang paa sila tumingin. Nakaka-down. Haha. Pero okay lang. Gora lang. 🙂

Just wish me a good luck. (Posted on tumblr too)

Tagged: , ,

Mag-iwan ng puna