Nagbago ang tingin ko sakania.

Nagbago ang tingin ko sakania. Whahaha!

Da who? Si Kuya JOHN CHRISTOPHER ….. Nalimutan ko na ang apelido. Haha. In teatro, siya si Kuya Bogart. Nung workshop namin nung Saturday, parang ilang ako sa kanya kasi parang nayayabangan ako sa kanya kasi lagi niya kaming binabara. Like, “Ba’t naiyak?” and such. Tapos kahapon, may nag-campaign samin para sa Student Council. Nakita ko nandun sila ni Ate Lovely Dianne. Ka-teatro ko sila. Akala ko, campaign manager lang si Kuya Bogart. Tapos waaaaaaaa! Siya pala yung tumatakbo bilang GOVERNOR. Wow. Impressive. Tapos dahil sa mga sinabi ng Vice Governor, hindi ko pa man alam kung sino yung Governor, sabi ko, “Boboto ko na ‘to.” Kasi sabi nung Vice niya, Si Kuya Tope daw yung taong hindi nagppromise. Sabi niya, kay Kuya Tope daw, gawa muna bago siya magsalita. Kapag may nagawa na siya, saka niya sasabihin na, “Gusto ko ‘to.” Oh my. Inspiring.

Nagpakilala na si Kuya Bogart and grabeeeeee. Nagbago talaga ang tingin ko sa kanya. Parang nung una, naisip ko na ang yabang naman nito. Tapos ngayon, oh my. He has sense of leadership at inspiring siya. Alam ko na agad na may magagawa siya so SIYA TALAGA ANG IBOBOTO KO. 🙂

Mag-iwan ng puna