Tears in the morning.

Hello. Alam ko. Oo. English yung title ko. Pero mag-eemote ako kaya pwede ba pag-Tagalugin niyo muna ako? -_-”

 

Anong nararamdaman ko ngayon at ano bang meron sa title ko?

Tears in the morning. Oo. Hindi ka nagkakamali. Umiyak nga ako. Ngayon. Neto lang. Ang astig ko ‘nu? Parang kanina yung blog ko, about happy things tapos biglang sad na. Ganun naman ang life eh. Ngayon, masaya. Mamaya, hindi na. Tapos masaya uli, tapos ano? Iiyak. Nakakainis. Sana pwede nalang masaya forever. Yung wala nang lungkot o sakit na nararamdaman. (OO NA. Ako nang madrama. Sorry kasi eto yung nararamdaman ko ngayon.)

Naligo ako ng maaga dahil akala ko pupunta si Kim sa bahay. Makiki-charge daw siya eh. Edi ayun. Ligo ako. After kong maligo, nabasa ko text ni Kim na hindi na siya pupunta. Next time nalang daw. Ah, okay. Kinuha ko yung Hairy Potter (Accounting Book na may humor. Parang si Bob Ong ang nagsulat dahil sa napakagandang humor ng author). Nagbasa ako. Maya-maya, umakyat ako sa taas kasi gusto ko sana gumawa ng bookmark. Kaso gusto ko kami ni Ivan yung picture kaya hindi ko na nagawa. Umakyat ako sa kwarto kong bodega. (Bodega dahil matagal na akong hindi nakakatulog dun. Sa sofa ako natutulog ngayon.) May cabinet dun na may salamin. Umupo ako sa double deck na kama at tumingin sa salamin. Tumayo tapos sinara ko yung pinto. Sign na ‘yun na mag-eemote ako.

Tinitigan ko yung sarili ko sa salamin. Magulo pa yung buhok ko dahil hindi ko pa nasusuklay, hindi pa din ako nagpupulbos kaya sobrang plain ng mukha ko. I have pimples on my cheeks. Shet. English na naman. Eh ang pangit kasi pakinggan ng “May tigyawat ako sa pisngi.” Shemay. Ugly. Oh, game na uli. Ayun. Wala pa akong lipstick o kahit na lip balm kaya kita yung lines sa lips ko. Hindi matangos ang ilong ko. Hindi ako payat, hindi ako mataba. Sapat lang pero may bellybelly ako. Basta nung tumingin ako sa salamin, puro kapangitan yung nakita ko. Nakakainis. Dun na nag-start yung pag-iyak ko.

 

Lord, nahihirapan na po ako. Masyado na pong masakit. Pero dahil mahal ko po siya, lumalaban po ako. Kahit na hirap na hirap na po. Ang sakit sakit na, Lord. Kahit kailan, yung mga taong mahal na mahal ko, lagi nalang may problema. Pero, Lord, iba naman po ‘tong problema namin eh. Kasi yung mga problema ko with my ex’s dati, talagang sila. Eh ngayon, Lord, ibang tao ang problema namin. Ibang tao pero mahalaga sa kanya. Parents niya. Hindi po ba talaga nila kami matatanggap? Lord, naalala niyo dati, kapag nagppray ako, “Lord, kapag may dumating na lalaki sakin ngayong taon, siya na talaga.” ‘Di ba, Lord, ‘yan yung prayer ko? Eh bakit po dadating si Ivan kung wala kayong reason? ‘Di ba, Lord, siya na? Sana siya na. Palakasin niyo naman po ako oh. Patibayin. Nahihirapan na ako. Nasasaktan na ako. Pero hindi ko kayang mawala siya. Lord, please?

 

Every night, ganyan din halos lagi ang prayer ko kay Lord. Laging nanghihingi ng power and strength. Pero ngayon lang ako nagmakaawa kay Lord na patatagin ako. Ngayon lang na UMAGA. Kadalasan kasi gabi ako nagppray. Pinipigilan ko yung iyak ko kasi umaga. Kapag nakita ni Mama, magtatanong ‘yun. Hindi ko naman pwedeng sabihin, “Napuwing lang.” Kung pwede ko lang hatakin pabalik yung oras para magmala-Dalagang Pilipina nung araw na pinakilala niya ako, gagawin ko. SANA HINDI NALANG NANGYARI ‘YUN. SANA HINDI NALANG NIYA AKO PINAKILALA. 😥

 

Ako. Iniimagine na may video sa harap ko pero nakaharap ako sa salamin.

 

Hello po. Ako po si Ina. 17 years old sa December. Isang Accountancy student. Hindi po ako simple, hindi din naman po ako maarte. Sadyang ganun lang po ako manamit. Hindi ko po alam kung anong sasabihin ko pero una po sa lahat, gusto ko pong malaman niyo na mahal na mahal na mahal ko si Ivan. Siguro nga po, parents kayo, alam niyo yung mas makakabuti para sa kanya.  Hindi ko po sinasabi na makakasama ako. Sino ba naman po yung taong ipapasama yung taong mahal niya, ‘di ba po? Alam ko po naranasan niyo na yung magmahal. Kaya nga po kayo may mga anak ngayon, ‘di ba po? Kasi dahil sa pagmamahal niyo sa isa’t isa. Pero bakit po ganun? Bakit po hindi niyo matanggap yung taong mahal ng anak niyo? Sa inyo po, Ma’am, babae po kayo. Alam niyo po ang pakiramdam ng nasa lugar ko. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Gusto ko nang mag-sacrifice para hindi magkaroon ng misunderstanding sa inyo. Pero, mahal na mahal ko na po talaga si Ivan eh. At willing po akong ipaglaban yung pagmamahal na ‘yun. Hindi ko po alam kung ano yung tingin niyo sakin. Ang lagi lang pong sinasabi ni Ivan eh dahil sa damit ko. Sorry po. Kung ‘yun lang po, sorry. Maaayos naman po ‘yun, ‘di ba? Akala ko po “Everybody deserves a second chance.”? Pero bakit po ako, parang walang karapatan? Siguro may iba pa pong dahilan na hindi lang sinasabi ni Ivan. Sana.. Dumating po yung time na matatanggap niyo din ako. Kami. Pero sa ngayon po, sige po. Titiisin ko nalang po muna lahat ng sakit. Lahat ng hirap. Kasi alam ko, someday, in God’s time, matatanggap niyo din kami. Magiging ayos din ang lahat. Sa ngayon po, gusto ko lang po malaman niyo na mahal na mahal ko po siya. Sobraaaaaaa. ‘Yun lang po.

 

Grabe. I can’t help but cry. Kapag pinigil ko na naman ‘to, magkakaroon na naman ako ng chest pain. Oo. Nung nakaharap ako sa salamin, iniisip ko na nagvi-video ako at para sa kanila ‘yun. Iniisip ko na napapanuod ng parents niya ‘yun. Ang hirap. Hirap na hirap na ako. Napapagod na ako. Pero hindi talaga pwede. Kailangang lumaban. Kailangan maging matapang. Walang sukuan. Walang bitawan. Kayang kaya namin ‘to. EVERYTHING WILL BE WORTH IT.

4 thoughts on “Tears in the morning.

  1. bff47474 Agosto 29, 2012 bandang 11:07 umaga Reply

    Medyo naiyak ako dito :’)

  2. bff47474 Agosto 30, 2012 bandang 4:25 umaga Reply

    Parang Teleserye kasi ^____^ Jk:)

Mag-iwan ng puna