08.29.12 ♥

Yeah. Yeah. Yeah. \mm/ Akala ko balik English-Language tayo. Hindi pala. Kasi.. Masarap magkwento kapag Filipino Language. Hehe! Game na ba ang mga tenga ng readers ko? (Teka miss. Bakit tenga? Eh ‘di ba mata? Kasi nagbabasa kami?) Oo nga ‘no! Sensya na, shunga! HAHAHA! Ready na ba ang mga mata niyo? Hoowkaaay! GAME.

Ako si Scarlet. Isang pokpok. Isang babaeng inimbitahan sa Hacienda Estrella para magbakasyon. Una pa lamang ay nais ko nang maakit si Victor, ang boyfriend ni Cristine. Kumakagat na siya sa akin pero nung nagpaalam siya para mag-cr, napansin ko ang isang malaking picture frame na may takip ng tela. Nilapitan at nang tatanggalin ko na ang takip ay… LIGHTS OFF. AAAAAAAAAAHHHHHHHHH! LIGHTS ON. Patay na si Scarlet.

At siyempre, hindi ang role ko sa mini skit namin ang ikkwento ko. Gusto ko lang ng kumbaga sa reporting, para makinig eh, may energizer. HAHAHA. Bogggart. Okay. Pero yung story na ‘yun. Ako ‘yun sa play. Si Scarlet. Ang pokpok. Okay. Daeng sinabi.

Nagre-rehearse ako sa Teatro Peninsulares nung nagtext si DJ. Kung nasaan daw ako. Magpapagupit daw siya tapos kasama niya daw si LJ. Yung kapatid niyang babae. Gusto daw akong makasama ni LJ. (Weh? Chos niya lang yata ‘yun.) Tinatadtad na niya ako ng text kaya nagdahilan akong susunduin ng pinsan kong nasa labas na ng gate. Nako. Ssh lang kayo ha? Walang laglagan. Nasa CPM daw sila. Nagtatakbo ako para makapunta na dun.

“San ka”

‘Yan nalang ang nasabi ko kasi hindi ko sila makita.

“Taas.”

‘Yan naman ang reply niya. Umakyat ako ng nakayuko. Pag-angat ko ng ulo ko.. Nakita ko siya. Naka-brown. At kasama niya nga talaga si LJ. Eh nawiwiwi na talaga ako. Kaya pinag-CR niya muna ako. Sobrang bilis kong nagwiwi kung alam niyo lang. Hahaha. Nakakahiya naman kasi. Sabi niya, papagupit na daw siya tapos iwan niya daw kami ni LJ. May bibilin daw sa Goodwill™. (Saan ‘yun, dre?) Hindi ko ‘yun alam kaya susundan ko nalang si LJ. Hahaha!

Bumaba na si DJ at unang tanong sakin ni LJ, “Ano pong nagustuhan niyo sa Kuya ko?” Natawa ako. Hindi ko alam kung ano ang sasagot ko. Pero kasi, mabola talaga siya kaya ko siya nagustuhan. Sumunod nalang yung mabait, mapagpasensya, gentleman *in-a-way.. Hahaha.

Bumaba na din kami ni LJ tapos nagsimula nang magkwentuhan. Sabi ko, “Hindi kayo close?” Sinagot naman niya ng “Hindi po. Sila po ni Danikha ang close. Lagi po kami nag-aaway niyan.” “Ano namang pinag-aawayan niyo?” follow up question ko sakanya. “Mga gawain po. Kanina nga po, binatukan ako nun eh.” Nagulat ako nung sinabi niya ‘yun. Ayoko talaga yung inaaway yung kapatid. Ako, kahit na hindi kami nagkakasundo ng mga kapatid ko, hindi ko sila minura o sinaktan. Except my evil brother na kapag may toyo, sinasabihan ko ng tanga. Pero not PI.

So, ayun. Kwentuhan pa din kami. Sabi ko sa kanya, “Buti okay lang sa’yo na magkita kami?” Tapos um-oo naman siya. Dun ako natuwa. Kasi kahit na pala ang hirap ng sitwasyon namin na patago-tago magkita, may kakampi pa din kami. Nakakatuwa lang. :’3 Kwentuhan dito.. Kwentuhan doon.. Sabi niya sakin, kapag daw nakasama ko si DJ ng matagal sa bahay, maririnig ko daw puro mura. -.-” Aish lang. No way. Ayoko ng ganun.

Nakarating na kami ng Goodwill. (Ahhhhh. Eto pala ‘yun. TAO NA AKO.) Hahaha! Sabi niya sakin, nung unang kita daw namin, hindi niya daw makita mukha ko kasi natatakpan ng 6ft kong bangs. Eh kasi mahaba eh. Eksaherada lang ang peg. So ayun.. Nakakatuwa. Parang close na kami agad agad. Magaan yung loob ko sa kanya. Ewan ko lang siya. Pero parang relax naman siya sakin.

Nagpunta kami sa pinagpagupitan ni DJ. Hindi namin siya napansin. Bwahaha! >:D Akala namin kung sino. Hindi niya kamukha kapag side view. Nanana. Ayun. Lakad lakad kami.. Hanggang sa.. Siya nga! Parang hindi naman nagpagupit ang loko. Eh umulan tapos wala silang payong. Buti ako, meron. Sabi ko, kami nalang ni LJ ang magpayong tapos siya nalang maglakad mag-isa. Haha. Syempre, pa-good shot saka babae naman kapatid niya eh. Aba. Siya dapat ang gentleman.

Hindi na namin alam saan pupunta. Uuwi na daw. Sabi ko, “Uuwi na tayo?” Tapos nag-react siya, “Tayo?” Actually, silang dalawa yung nag-react eh. HELLO?! Uuwi din ako. Alangan namang sila lang umuwi tapos maiwan ako ‘di ba? Shunga? Eeh. Feeling ko tuloy napahiya ako sa kanilang dalawa. Amp!

Nagtawag na siya ng trike. Nakakatawa. Kaming tatlo nasa loob. He’s holding my hand. Tapos sabi niya, “Awkwaaaard.” Nung una, parang youtube video lang na nagbbuff pa sa utak ko. Hahaha. Ahhhh. Gets ko na. Oo. Awkward ngaaa. Hahaha. Akala namin sa bahay muna nila. Nakupo. Tepok kung ganun. Silang dalawa. Buti, terminal muna pala. Nice nice. Ayun. Nahatid na nila ako tapos nag-bye na ako.

Nakakatuwa lang talaga. Walang kahit anong mapanakit na nangyari about sa lurve life koooo. Sobraaaang happy! ♥

Mag-iwan ng puna