Most Heartbreaking Night.

Akala ko kapag mahal mo ang isang tao, sapat na ‘yun. Akala ko kapag mahal mo siya, mahal ka niya, okay na. Akala ko lang pala. Siguro sa iba, sobrang halaga yung mahal mo tapos mahal ka. Samin kasi, walang problema yung love. Kasi, we both know and we’re both sure na mahal namin ang isa’t isa. But, love isn’t enough.

I’ve experienced the most heartbreaking night ever. Never ko pang naranasan yung naramdaman ko kagabi. (Masyado ba akong EMO? Idc.) Grabe. Ang bigat bigat sa feeling. Sobraaaaaaa. First time kong magtext na nanginginig yung daliri ko. Tapos halos wala na akong mabasa dahil sa luha na nagco-cover sa eyes ko. Grabe. Akala ko wala na. Akala ko tapos na. Akala ko wala nang forever.

Oo. May tiwala ako sa kanya. May tiwala ako na kung maghihiwalay man kami, hindi siya hahanap ng iba. Pero, I just wanna be realistic. ‘Di ba? Dahil sa magiging absence ng communication, hindi malabong may pumalit. Ganun naman lagi eh. Minsan kasi may nagpapasayang iba tapos maffall. Nega ba? Hindi. Realistic lang.

Akala ko talaga kagabi tapos na. I respect my best friend’s comment. May point naman siya eh. Kasi yung ibang lalaki, puro lang pangako. Tapos ayun na. Napako na. Tsk tsk. Puro pangako, wala namang natutupad sa mga pangako nila. Pero, iba kasi si DJ. Kahit na saglit pa lang kaming whatever, alam ko na at may napatunayan na siya – na iba siya.

Sana lang hanggang sa huli, iba siya. Sana maging okay na yung lahat. Grabe. Iyak ako ng iyak kagabi. Well, iyakin ako. Alam niyo ‘yan. Akala ko din kahapon, unsure ako. Hindi pala. DJ over ***. He’s my choice. He’s the one I love. He’s the one I care about. He’s the love of my life. He’s gonna be my forever.

We’re gonna fulfill our plans. We’re gonna travel the whole world. We’re gonna be married. SANA. Kasi ngayon, hanggang SANA palang kami eh. Hanggang plano at pangarap. And I hope someday, I’ll forget that heartbreaking night and all the pain will be worth it.

Mag-iwan ng puna