Category Archives: Lurve Life

Heartache or moodswing? -.-

Hindi ko na din alam kung ano ang nararamdaman ko. -.- Basta kanina.. Nag-iba yung mood ko. Nagsimula dun sa pasalubong na hinihingi ko ke Beb. Well, gusto ko lang naman kahit ano. Kahit kendi nga lang eh. Hindi ko naman kylangan ng mamahaling pasalubong. Gusto ko lang ng kahit ano na maitatabi ko. Yung kahit ano na kapag nakita ko, maalala ko na binigay niya sa akin ‘yun as pasalubong nung nag-EK sila. Well, sentimental kasi akong tao. I swear. Kahit bote lang ng mineral na ininuman namin, tinabi ko. Ganun ako ka-sentimental.

Well. Bakit nga ba nag-iba yung mood ko? Kasi biniro ko siya. Sabi ko, magtatampo ako kapag wala siyang pasalubong. Then he took that seriously. Well, my joke was half serious and half not. Ewan. Ganun naman ata talaga ang joke. Ika nga ni Mama Aidnace, “Jokes are half meant, half not.

Pero kasi.. Basta. Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa utak ko yung illegal thing namin sa parents niya. Siguro dahil sa trending topic sa twitter. Yung hashtag na #OctoberWish. Eh kasi nag-tweet ako. Sabi ko, “#OctoberWish ACCEPTANCE” Saan? Sa pamilya niya syempre. Akala ko, matibay na ako to face the truth na ayaw talaga sakin ng parents niya. Tapos umepal pa yung i-don’t-know-the-title-of-the-movie nila Toni at Zanjoe na pinapanuod ko kanina. May mga problema sa nanay ng boyfriend. Ganun. Edi sapul na naman ako. Hay ewan. Ang peste lang. Ang leshe. I took a shower na din kasi kapag BV ako, ang kadalasan kong ginagawa eh kumain ng ice cream o kali maligo. So, dahil walang ice cream, naligo nalang ako. -.-

Akala ko okay na ako. Though I was a bit okay. Biglang lumabas si Papa from their room. “May nalaman ako sa’yo ah. May boyfriend ka na daw? Mag-aral ka muna. Kapag nakatapos ka na, saka ka mag-asawa.” Yes. I do have a boyfriend. What’s wrong with that? Just because I have a boyfriend, doesn’t mean I won’t finish my studies. Haaaaay. Kaya nga ba alam kong apektado ako sa pagkakabuntis ni Ate eh. Kasi my parents will be overprotective to me. Which is ayokong mangyari. -.o

Naiiyak talaga ako. Sobra. Hindi ko na kasi alam yung tama. Ayokong isipin na hindi ito yung right time para samin. Kasi kung hindi naman kami bibitaw at magiging matatag hanggang dumating ang right time, magiging ayos din ang lahat. Hindi na ako makapaghintay na maging maayos din ang lahat. Sana matanggap na kami sa pamilya niya. Sana hindi na maging selfish ang mundo. Sana ibigay na nila yung happiness na matagal ko nang gustong makuha. Sana sa susunod, wala nang sana. Lahat nalang mangyare.

Ayan na. Naiiyak na ako. Hindi ko kasi alam if it’s heartache o moodswings lang. -.- Gusto ko nalang sumigaw eh. Ibuhos lahat ng nararamdaman ko. Kasi sa totoo lang, nasasaktan pa din ako kapag naaalala kong hindi kami okay sa kanila. Pero pinipilit kong tawanan, ngitian, pinipilit kong maging matatag para sa amin. Kailangan kong maging positive dahil alam ko, magiging ayos din ang lahat. May reason ang lahat ng bagay kung bakit ‘to nangyayari.

Sana.. Please..

Haaaaaaaaaaaaaay. Magiging okay din ang lahat. Walang bitawan. Walang sukuan. They’re gonna be proud of us. I swear. Then one day, all they can say is, “We’re wrong. They’re still together.

We’ll never let go. We’ll keep holding on. Until everything will be fine. Until the world will accept us. We’ll love each other forever and always.

SUNDATE @ CHIC-BOY ♥

When boys do everything just to see you ♥

Loving him is my favorite hobby. ♥

When boys do cute poses with you. ♥

Don’t stare. He’s mine. I don’t like sharing. ♥

Sundate at Chic-Boy. Sept. 23, 2012.

Hindi planado. Basta nalang ginustong magkita. HAHA. Nakakaloka lang. Takas lang din ako sa bahay niyan. Siya naman, ang alam, nasa Naval. Basta it is a commercial building sa mga hindi nakakaalam. So.. Edi ayun. 3 ako umalis ng bahay or 3:30. Ganun.. Sa Naval ako nagpunta kasi nandun siya. Hinahanap ko siya non. Then I saw someone na naka-black. Hahaha. Siya pala! He was staring at me from head to toe tapos tinanong niya ako, “Ano ‘yang suot mo?” Conservative po kasi ‘yang si DJ. Haha. Hindi mo malaman kung ano ang gusto sa buhay. Ayaw ng naka-shorts ako, ayaw ng naka-dress ako. Tapos pati boots, ayaw. Sakit sa bangs, ‘teh!

We stood there for couple of minutes thinking kung saan kami kakain. Sabi niya, sa Mcdo. Eh I’m craving for pizza. Gusto ko sa Greenwich. Kaso.. ‘Di ba nga takas takas lang kami eh nandun daw yung Tito niya yata. Basta. Edi nauwi kami sa Chic-boy. We can’t even decide what to eat. Edi umorder nalang kami. Siya, breaded pork chop yata. Tapos ako, chicken inasal. Tapos, bottomless na iced tea saka a plate of calamares na ginto ang presyo. HAHAHA.

Binigyan kami ng number. 3. Gusto nga namin papalitan ng 8 eh. Pero kems nadin. Umupo na kami. Sabi ko, “Picture tayo.” Lumipat ako sa tabi niya para makapag-picture kami. HIMALAAAAAAA! KASALANAN BANG HUMINGI AKO SA LANGIT NG ISANG HIMALA! ♫♫ Hahaha. Ayun. Hindi lang isa ang picture namin. Yey! Tatlo. Kasi.. Hindi talaga niya trip ang mag-picture kaya tuwang tuwa ako. Hihi. Tapos natuwa pa ako kasi yung pangalawa, parehas kami ng pose though hindi naman namin sinadya ‘yun. Bigla nalang ganun yung pose naming dalawa. :’)

Kain. Kain. Kain. Tawa. Tawa. Tawa.

After namin sa Chic-boy. Nagpunta kami sa Wonder Park. Songer kami eh. Kaya nag-KTV kami. Hahaha. Ayuuuun. Kanta dito. Kanta dun. Waaaaaaah! Kinikilig ba ako.. Paano. Pwede namang kumanta ng ‘di tumitingin sakin, deba? Oh sige. Me izzo landi na. HAHAHAHA. Ihh kasiii. Hahaha! Sobrang saya. Sobrang sweet. Sobrang kewl. Nakakatuwa! :’>

Best Sundate ever. I’m so glad he’s mine. I’m so blessed and lucky to be his girl friend. :”>

And I’m only up when you’re not down, don’t wanna fly if you’re still on the ground, it’s like no matter what I do.. And you drive me crazy half the time.. The other half I’m only trying to let you know that what I feel is true and I’m only me when I’m with you. ♥

Ang AYDOL kong KOPOL ♥

To infinity and beyond! ♥

Siguro naman lahat ng couple eh may mga iniidolo. Like me, I do have lots of couple idols – Eunice and Arvin, Kenneth and Deshly, Maricar and Richard, Nikki and Billy and of course, Iya and Drew. Only two of them are not in showbiz right? Sila Eunice & Arvin and Kenneth & Deshly. Pero of course, ang gusto kong i-share ay si Eunice and Arvin na nasa picture sa itaas. Lezzstart?

Halili-Lumibao Nuptials 

Joke lang. Hahaha. Arvin Jasper Halili and Eunice Lumibao. ‘Yan ang real name nila. Kaya ko sila nakilala ay dahil syempre, best friend ko si Eunice at repaks ko naman si Arvin. Barkada ganun. They’re part of my circle of friends. First year palang, sila na. Kaso, ewan ko ba. They’re a bit immature for a serious relationship. Kaya hindi nag-work. Naka-meet ng new lovers pero nung 3rd year kami.. Ayun na.. Nagkabalikan na.

Nung nagkabalikan sila, syempre, hindi naman naging madali. Lahat naman yata ng relationship, hindi nagiging madali. Lahat may trials, lahat may challenges, lahat may obstacles na pinagdadaanan. Syempre, hindi din naman sila identical. May mga bagay na magkaibang magkaiba sila. Like for example, si Eunice, she’s a bit moody. Si Arvin naman, pa-sumpong sumpong. Hahaha. Mas malambing si Arvin. Ganun. Basta. Madaming bagay na hindi naman sila pareho pero winork-out nila para maging comfortable at masanay sila sa isa’t isa.

Magtu-two years na sila sa November. Nalagpasan na nila ang 1st stage which is the first year – ang stage kung saan puro lambingan, pa-sweet’an etc. Malalagpasan na din nila ang second stage which is the second year – yung stage kung saan makikita na ang weaknesses and mga pangit na sides ng partner. Papasok na sila sa 3rd stage which is the third year – yung stage na magde-decide na sila kung GO pa o AWAT na. And of course, alam ko at sure ako na GO pa sila.

Kahapon, I went out for lunch with them. Tapos nililikot ni John Ray yung phone ko. Nakita niya yung picture ni Ate Angel (Ka-teatro ko.) Tapos sabi niya kay Arvin, “Pare, chiks oh.” Tingin naman ‘tong si Arvin tapos tingin pa uli. Si Eunice, ang sama na ng tingin. Tapos bumanat ‘tong si Arvin.

asdfghjkllkjhgfdeg.. Isa lang naman ANGEL ng buhay ko.” Sabay tingin kay Eunice. (Nalimutan ko na kasi yung unang sentence niya eh.)

Ayuuuun. Si Eunice naman, kinilig. Halata! Hahaha. Nakakatuwa sila. Kasi kahit na magtu-two years na sila, akala mo, bagong mag-boyfriend pa lang dahil sa ka-sweet’an.

Nakakatuwa. Sobrang idol ko ‘yang dalawang ‘yan pagdating sa love & relationship. Ang perfect kasi. Though wala namang perfect relationship, pero para sakin, perfect sila. MFEO. Made for each other. Ang ganda kasi ng foundation. Ang ganda nung para lang sila magkapatid minsan, minsan mag-bestfriend etc. Alam niyo ‘yun? Nakakatuwa kasi kahit anong mangyari sakanila, alam ko na matibay sila.

They can overcome whatever trial they’ll face. Buti nalang witness ako sa love story nila.

EUNICE AND ARVIN. Sila nga pala ANG AYDOL KONG KOPOL ♥

8 hours & 57 minutes. ♥

 

Loving him is my favorite hobby. 

8 hours and 57 minutes together. ♥

Kahit na nagkasama kami ng 8 hours, we feel like it’s not enough. Feeling namin, bitin pa din. What the fun happened yesterday ba? (09-20-12) Lemme share it to you, readers.

The night before yesterday, puro kami plano. Kasi half day daw sila at hindi na daw siya papasok. Magkita nalang daw kami. Tapos edi ayun.

  • PLAN A. Mt. Samat Escapade.
  • PLAN B. Go watch a movie.
  • PLAN C. Swimming at Villa Amanda Resort.

Plan A talaga ang balak namin tapos kapag umulan, plan B. Edi ayun. Kinabukasan, nagtext siya. “Ay, umuulan.” Edi nagreply ako. “Edi ‘wag na.” Tapos sabi niya, “Amanda?” Edi ayan. May plano na kami. Magsswimming kami. Usapan ay 7:30.. Eh dahil madaldal ako, hindi ko napansin na 7 na, hindi pa ako naliligo. Edi nagmadali ako. Text siya ng text, hindi naman ata niya narereceive messages ko. Dumating ako dun, 8 am na. Hindi namin alam saan mamimili. Namili kami ng chichiria at sprite tapos sa Mcdo para sa lunch.

After non, sumakay na kami ng trike papuntang Villa Amanda. Pagdating namin, napakadaming tao. Lumapit kami para magbayad kaso bawal daw outsider. SUSME! EPIC. Edi ayun. Para kaming mga rebeldeng anak na pinalayas sa bahay. Hahaha. Mga 1 oras din siguro kaming nakatanga sa may gilid ng resort. Epal. Hahaha. Tawanan lang kami ng tawanan na dalawa.

Tapos tinext niya yung Tita niya. Makikitambay daw kami sa kanila. Edi punta kaming Cupang. Dun kami nag lunch tapos nanuod ng TV. Hinintay namin mag-12 para makanuod kami ng sine after. Nuod nuod.. Usap.. Lambingan. >:’) (Oo na. Maharot na ako.)

Nung 12 na, nagpaalam na kami sa pinsan niya. Manunuod na kami ng sine. Sumakay na kami ng trike papuntang CPM tapos namili ng ticket tapos pumasok na para panuorin ang Pridyider. Nung una.. Nuod nuod. Nung una.. Natatakot ako. Tapos napagtanto ko na pangit pala. HAHAHA. Baduy!

Kaya ayun. Magmula 12:30-4:15, tawanan.. Kulitan.. Asaran.. Usap usap.. Cheesy lines.. Hahaha! :’) Sobrang saya. First time namin magkasama ng ganun katagal eh.

After namin manuod, nagpalit na ako ng uniform ko kasi may klase pa ako. Hinatid niya ako sa school tapos ayun naaa. 8:00 to 4:15. 8 hours and 15 minutes kaming nagkasama. Pero bago matapos ang klase ko, nagtext siya. “Text mo ako kapag uwian niyo na.” Nagets ko na agad eh. Edi ayun. Tapos nagkita kami uli. Yay. 7:30 nun. Tapos punta kaming Dona Francisca Park. Habang naglalakad, sabi niya, “Haay. Tour na bukas. Nakakainggit sila. Sila, nag-aayos na ng gamit nila. Tapos ako eto, inaayos ang buhay ko. Kasama ang magiging buhay ko.” Napangiti ako ng isang Gwen Stefani smile eh sa kilig. :’) After non, nasa isang waiting shed kami na nakaharap sa isang Chapel. Sabi ko sakania, baligtad yung singsing ko. Hindi nakaharap sakin ‘yung Endless Love. Tapos ginawa niya, inayos niya. Tapos sabi ko.. “Beb, 10 years from now, sa ganyan na tayo maggaganito. (Me, pertaining to him wearing the ring on my finger.) Tapos yung motif, itim.” Hahaha. I knew it. Magrereact siya. Eh kasi ang gusto ko ako lang ang nakaputi. Para angat. Haha.

Imagine.. Imagine.. Nakakatawa. “Gusto ko beb, kapag lalaki yung panganay, close sa kapatid. Tapos pihikan ako sa magiging GF niya. Tapos yung babae, pwede mag boyfriend.” Nagreact na naman. Ayaw niya. Hahaha. Peste. Tapos sabi ko, “Eh kesa naman magPBB teens sila sa LABAS. SA LABAS!” Hahaha. Natawa ako kasi may demo pa. Pinapalabas ko na kami, sa labas nagpPBB teens. Hahaha.

Nagyaya na siya umuwi kasi gabi na din. 8:17 na kami naghiwalay nung hinatid niya ako sa terminal. Sobrang saya nung araw na ‘to. 8 hours and 57 minutes kaming nagkasama tapos parang miss na miss pa din ‘yung isa’t isa. Sobrang thankful talaga namin to meet each other. Well, me, I don’t really consider myself as a good girlfriend, masyado akong moody, selosa. Pero siya, understanding, open-minded. :’) Swak na swak kami. Nakakatuwa! ♥

It’s a part of our forever. That 8 hours and 57 minutes is just the start. ♥ We’ll have lots of 8 hours and 57 minutes in the future.

The Ring ♥

09.19.12

Eto yung date ngayon pero ang ikkwento ko ay yung nangyari kahapon, nung isang araw. Basta. Random yata. Ewan. Bahala na yung kamay kong magtype ng ikkwento ko. Pero ang post ko, parang kausap ko.. SIYA.

Hi, beb. Last last day, nakakatuwa kasi nasabi ko na sa’yo yung gusto kong sabihin. Ang sarap sa feeling na wala nang tinatago. At lalong lalo na yung tanggap mo. Alam ko, hindi naging madali. Sabi mo nga, muntik ka nang umayaw, ‘di ba? Naiintindihan ko. Pero nakakatuwa kasi napaka-understanding mo. Naisip mo pa na wala naman mangyayari kung aayaw ka. Last last day din, tinanong kita kung may nagbago ba. Love, respect? Sabi mo, wala. Nakakatuwa na naman. HAHA. Sobrang thankful talaga ako na dumating ka. Ang bait ni Lord. Sobra! Eto na yata yung kapalit na pagpapakatanga ko dati. Saka yung reward sa lahat ng sakit na naramdaman ko. :’) Pero nung araw na ‘yun, nagkatampuhan din tayo. Ako kasi. Alam ko naman na ayaw mong umiinom. Sabi mo nga ikaw, parang once a year ka lang uminom tapos ako ayun. Hmm. Sorry. Pero syempre, hindi naman pwedeng hayaan kong galit ka. Kasi minsan ka lang talaga magalit sakin eh. Kaya ayun. Pumunta ako sa inyo. Nakakakaba man na baka makita tayo ng parents mo, buti okay naman. Buti naman nagkaayos din tayo agad. Natuwa pa ako kasi nilabas mo yung RING. Ring na epic. Hahaha. Size 17 yung kamay ko pero binili mo 7. Size pa ata ng guy ‘yun ai. Hahaha. EPIC. Napakaluwag. Kaya papapalit mo pa. Natatawa pa din ako. After nun, hinatid mo nadin ako sa may kanto kasi 9pm na. Pinahiram mo pa yung payong kasi umuulan. Tapos ikaw, tumakbo pauwi. Kaya ayun. Kahapon, may sakit ka tuloy. Tsssssk! Wala pa naman ako para alagaan ka.

Kahapon, sa Dona Francisca yung PE Class namin. Pinaikot kami sa park ng 5 times pero dahil tumawag ka, at habang naglalakad ako, kausap kita, naka-6 laps ako. Hahaha! ‘Yun lang yung time na nasulit natin ang unlicall mo eh. Haha. At grabe ka. Kahit na may sakit ka, nagawa mo pang tumawag. *I salute you* Haha!

Nung lunch, sabi mo magpapahinga ka muna kaya nag-internet muna ako. Naka-charge din kasi yung phone ko. Pagbalik ko, may missed calls ako. Sorry kung ‘di ko nasagot. Umidlip din muna ako bago pumasok at may rehearsal pa ako. Nag-rehearse ako. Dahil sa pesteng sigaw ng character ko na hindi ko makuha, hindi ako makaalis. Tapos ikaw, may sakit na, inutusan pa. Amp. Pero at least, dahil dun, nagkita tayo. Bwahaha. Sumakay ako agad ng trike tapos pagsakay ko, pulbos. Lipstick. Suklay kahit na nagugulo din ng hangin. Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. Pagdating ko sa Recar, tinatawagan pa din kita tapos parang pelikula lang na pagtingin ko sa likod ko, nandun ka na. :’) Yay!

Umakyat na tayo sa taas ng Recar para ipapalit ang Epic Ring. Hahaha. Nakakatawa kasi ang seksi talaga ng finger ko. Pinakamaliit na ring na, medyo maluwag pa. Pero, okay na ‘yun kesa masikip. Naniniwala talaga ako na “Kapag gusto, may paraan.” Tingnan mo tayo, may hadlang man, okay lang. Go pa din tayo. Laban lang ng laban ‘no? Kasi sa dulo, alam naman natin na worth it lahat. Saka lahat gagawin natin para matupad lahat ng plans natin. Lahat ng pangarap natin.

‘Di ba nga magpapatayo pa tayo ng Dream House? Tapos pupunta pa tayo sa London, Greece, New Caledonia, Seoul at madami pang iba? Tapos 2 kids. Pero syempre, tutulong muna tayo sa family natin. I can’t wait for that day. Yung kapag magkausap tayo sa phone, bago tayo matulog, kakantahan mo muna ako. Tapos iniimagine natin kunwari magkatabi tayo. Tapos sasabihin mo, after 10 years, magkatabi na tayo. Tapos pagkagising ko, kakantahan mo na ako ng Good morning, beautiful. Saka ‘di ba sa kasal pa natin, tutugtugin pa yung You’re Still The One? Sana bukas na ‘no. HAHA. Excited.

Tayo na ang baduy, korni o kung anu anong ka-bitterang term pa para sa iba. Pero tayo, walang pakelam. I love you, beb. Yung usapan natin sa relo ko na kapag binalik mo na sakin, ayaw mo na, dba? Binalik mo na nga. Pero gaya nga ng sabi mo, MERON NAMANG SINGSING. Saka sabi mo din, wala naman sa relo o kahit ano ‘yun e. Dahil kahit anong mangyari, we’ll still love each other. :’) ♥

Protektado: A Heartbreaking Confession ✉

Ang nilalamang ito ay protektado ng password. Upang tingnan ito, mangyaring ilagay ang iyong password sa ibaba:

12 Things That Tell You He’s The One ♥

How would you know if you found the one? How would you know if you really love him? Here are 12 things that tell you he’s the one. (I only found it on Yahoo. So, credits!)

  1. You tell him things you don’t tell anyone. Of course, if you’re comfortable in saying things that you don’t tell anyone, he is surely the one! ‘Cause he must be special if you’re telling him confidential and secretive things, right?–

    Me.. I love telling DJ everything. Instead of telling anyone or sharing it to anyone, I tell it to him. I have lots of stories when we’re talking. I love to tell him what happened today. Who hurt me and made me happy today. Who told me I was beautiful. Who made me feel special. Who criticized me. Everything!

  2. You let him see you at your weaknesses. Comfortable. Safe. Relaxed. If you let him see you at your weakness, that means you are sure that even if he sees your weaknesses and flaws, he will accept you and still love you. You’re not ashamed to see your bad and ugly side when you’re with him.–

    On my side, yeah. I am showing my weaknesses. My bad and ugly side. My little demons. And thank God. He accepted me for who I am. I can remember when I told him, “Beb. Magpapapangit muna ako ah. Hindi muna ako magmamake up.” Then he answered, “Kahit naman hindi ka mag-make up, okay lang. Mas maganda ka nga ng walang make up eh. Saka kahit na pumangit ka pa, you’re always be beautiful in my eyes ♫

  3. You respect him. Of course! If you respect him, his decisions, his friends, his family, the whole him, he is the one. There’s a huge connection and relationship between love and respect and trust. So, if you do respect him. I reckon he’s the one!–

    Yes. I respect him. Super. I don’t know how to explain further but I know I respect him. His decisions, his beliefs, his family, his friends & his life’s point of view. Because I know there are times that we don’t have the same point of view and with that, I respect him.

  4. You want him to meet your parents. If you do, then you’re serious. Because why are you going to introduce him to your parents if you’re serious? If you don’t think he’s the one? You know.. If girls want their boyfriends to meet their parents, that means they want their boyfriend to be their future husband.–

    I want DJ to meet my family. I love to share some stories about DJ to my mom and sister. I want him to meet my mom and dad and I want them to see how lucky I am to have DJ and I want to see how good my decision was.

  5. You can imagine a future together.You’re serious and you know he’s the one if you imagine your future together. Why would you imagine a future together if you don’t want him to be your forever? Right?–

    We do imagine together. That’s the sweetest part of our relationship. When we imagine our future. Our dream house. Our future kids. Where to go. Our plans and dreams. That’s so sweet. I can’t help but smile. :’)

  6. You’re not afraid to disagree with him. If you know it’s wrong then you have to disagree with him. and with that, that will show you care. That will show you love him and you don’t want anything that will be bad to them.–

    Uh.. Do I disagree with him? Yeah. But not most of the time ’cause there were lots of similarities on us. So, there are only times that I disagree with him but that’s so seldom.

  7. You wanna work out your major differences. You have to know not only your similarities but also your major differences so that you can cope up and you know what to do if those differences try to intervene on your relationship.–

    I wanna and we wanna work out our major differences. Like him, he’s cheerful while me, I am a moody one. Something like that. But, we work on that so now, when I am having my mood swings, he know what to do. Not like others, when their girls have their mood swings, they’re also mad. They’re also having their mood swings. In Tagalog, sinasabayan pa nila yung mood nung isa. And we’re not like that.

  8. You laugh together. Why are you laughing? Are you laughing because of sadness? Of course not, right? That’s stupid. Of course, you’re laughing because you’re happy. So, if he makes you happy, he’s the one.–

    We laugh a lot. We always laugh. Silly jokes and even the corniest one, we laugh. Because me, I do believe that laughter and smile are proofs of happiness. :’)

  9. You are super attracted to him. Attraction to one another can make your relationship stronger. If attraction lessens, that’s the start when you are finding someone who is more attractive. But, if you are super attracted to him, even if he is not wearing fashionable clothes, still, there’s attraction.–

    Am I? Hahaha. Yeah. I am super attracted to him. Especially his voice. I love his voice. That voice whom I hear every night before going to bed. His voice who sings to me every night. :’)

  10. It’s okay to be quiet around him. Just because you’re quiet, doesn’t mean you’re not talking. Sometimes, even you’re not talking, you’re just sitting. Holding each other’s hands, that’s more than talking.–

    I always do this thing with him. I am always quiet. I thought I was talkative but there were times that I would just shut my mouth and then he’ll tell me to speak. Hahaha. But, when I am quiet, I want him to feel that I love him even I am not speaking.

  11. You feel like yourself around him. You know the song ‘I’m only me when I’m with you’ by Taylor Swift? Yeah. If you feel like you’re not hiding something when you’re with him, you’re showing the real you without shame, he’s the one.–

    Yea. I want him to see the real me. How jealous I am. How crazy I am. How bad I am. How arte I am. Because I know, he’ll accept me for who I am. :’)

  12. You feel like he makes you a better person. If you feel this way, he’s the one. ‘Cause a right guy won’t and will never make you a bad person. If you think he makes you a better one, then he’s surely the one. He deserve you.–

    He does. Lately, I am an insecure lady and a jealous one. Now, I am still jealous and insecure BUT not like how I used to be. Now, I have a confidence. And he taught me how to say the word SORRY. Yes. I don’t know how to say Sorry lately. And now, I know how to say this and when to say this. He always cheers me up. I know he makes me a better person. :’)

Love is not just merely showing affection but also respect & trust. Love is not how beautiful you look but how beautiful your inner beauty is. Love is not about your similarities but working out your major differences. Love is not showing your strengths but showing your weaknesses and love is about accepting the person you love. Whatever and whoever he or she is. – Ina Carlos

Comparing Past with Present.

Hindi ba parang unfair yung ganun? Yung pagko-compare sa past mo at sa present. Though alam mo na mas better ang present. Bakit may mga bagay na hindi mo talaga maiwasang hindi i-compare sa iba kasi kapag may nangyayari na parang naranasan mo na sa past mo, feeling mo, yung result dun eh yung magiging result din sa present mo. Am I making any sense?

Yung example, ayaw sa’yo ng parents ng ex mo, tapos ayaw din ng parents ng present boyfriend mo sa’yo.. Tapos ang iniisip mo, gawin din sa’yo ng mom ng present mo yung ginawa sa’yo ng mom ng ex mo. Like saying some criticisms like ‘malandi‘ and such. Yung paghihigpitan ng bonggang bongga na ang nagagawa niyo na lang ay magtext.

Yung may babaeng best friend yung present boyfie mo. Tapos nagseselos ka dun. Sa ex mo naman, may kapatid-kapatid’an siyang babae na kahit na namamatay ka na sa selos e ayaw pa din tigilan ang pakikipagkasatan.

Yung mahal na mahal mo siya na buong puso mo, bigay bigay na naman. Tapos dahil sa alam na mahal na mahal ka, eh it-take for granted ka na. Na okay na kahit walang effort kasi alam naman na kahit wala siyang gawin eh hindi mo siya iiwan. (Oops. Hindi ko sinasabing tintake for granted ako ng present ko ha.)

Pero alam niyo yung nakakatuwa sa pagko-compare na ‘yan, napapangiti ako kapag kino-compare ko siya sa dati ko. Well, alam kong hindi fair yung pagko-compare pero ang hindi lang naman fair eh yung ganitong klase ng pagko-compare. “Buti pa si *insertnamehere*, pinapayagan ako sa gimik. Hindi mahigpit.” Ganun yung unfair na pagko-compare.

Nakakatuwa lang kasi kapag kino-compare ko si Ivan kay Ex, hindi ko maiwasang ngumiti kasi parang kapag ginagawa ko yung pagko-compare na ‘yan, feeling ko I MADE A RIGHT DECISION. GOD MADE THE RIGHT DECISION. Na yung lahat ng sakit na naramdaman ko sa past, nababawi ng present ko. Na alam ko, hindi niya gagawin sakin yung mga ginawa sa akin ng past ko. Na yung sakit pala dati, may magandang reward ngayon. Sobrang gandang reward.

Dati, hindi ko alam yung reason kung bakit nga ba talaga ako hinayaan ni God na masaktan dati. Kasi pala.. MALING TAO pala yung minahal ko. Nagpakatanga ako sa isang taong hindi deserve yung sacrifices at love ko. I am so glad and I’m enjoying on comparing past with present.

The Post Monthsarry Date ♥

09.08.12

That’s our real celebration of our 1st monthsarry. Kaso, hindi siya available kaya hindi namin na-celebrate. So, yesterday, 09.09.12, we celebrated it. Hindi naman talaga namin in-expect na magiging celebration pala yung kahapon kasi 1-3 lang siya pwede. Eh ako, magtu-two na nung umalis ako sa bahay. At take note! Ang dala ko lang pera ay… Tumataginting na… PIBTI PESOS! Bigti mode.

Grabe. Kahihiyan. Never pa akong umalis ng bahay na ganun lang ang pera. </3 Bumyahe na ako. Tapos pagdating ko sa CPM, sabi niya sa taas daw siya eh nasa tabi ng Jollibee. Loko. Hahaha. De ayun. Eh mukha akong bata sa outfit ko ay. Tapos galawgaw pa ako. Sabi niya, mukha daw akong bata. Hihi. :’) Tapos inabot niya sakin yung pera. Sabi ko, para saan ‘yun? Manunuod daw kaming sine. Waaaaah?!

Pumasok kami sa Jollibee. Susko. Kahihiyan na talaga. Wala man lang akong pera. Edi tinatanong niya ako kung ano daw gusto ko. Eeeeeee. Basta nag-iinarte talaga ako sa kanya sa Jollibee kasi nakakahiya. Tapos namili pa din siya. -.- (Though I love libre talaga! Ewan ba. Mahiyain lang talaga ako ngayon. x))

Lingon sa paligid..

Wala.

Hahaha. Bakit? Kasi.. Parehas kaming takas. Tibay ‘no. Siya, alam naman sa kanila na gagala siya. Pero hindi alam na ako yung kasama. Hehe. Tapos ako naman, ang alam, gagawa ng report. Kaya nga pibti lang pera ko e. Para nga naman sure na hindi makakagala. Eh kaso.. HAHAHAHA. Alam na.

After.. Umakyat na kami sa sinehan. The Expendables yung papanuorin namin kasi napanuod na namin ang Just One Summer at I do bidoo bidoo. Oo. Suki kami ng sinehan. Haha! Edi nuod nuod.

Ang ganda mo ngayon.” –DJ

Hindi ako naniniwala pero shemay kinikilig ako. Ulo hanggang paa. Kasama spinal cord ko at batok. :’) Paulit ulit din siyang naga-I love you. Lele.

Sobrang nakakatuwa. :’) Nakakakilig. Saka yung mga dati naming iniiyakan, tinatawanan nalang namin ngayon. Sabi niya nga, mas matibay daw kami ngayon.

Eto nga pala yung video ko para sa kanya.

http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube.com%2Fwatch%3Fv%3DJkSX_FkndTI%26feature%3Dplayer_detailpage&h=tAQHoVxiB

Sobrang saya. Nakakatuwa. Nakakakilig. Para lang kaming ewan. Asaran tapos maglalambingan. Tapos asaran. Haha! Pinagtatawanan niya pa ako kapag kinikilig ako. Hahaha. Badtreyp.

Tara, uwi na tayo. Sa bahay natin.” –DJ

It was the sweetest post monthsarry date ever! ♥

Most Heartbreaking Night.

Akala ko kapag mahal mo ang isang tao, sapat na ‘yun. Akala ko kapag mahal mo siya, mahal ka niya, okay na. Akala ko lang pala. Siguro sa iba, sobrang halaga yung mahal mo tapos mahal ka. Samin kasi, walang problema yung love. Kasi, we both know and we’re both sure na mahal namin ang isa’t isa. But, love isn’t enough.

I’ve experienced the most heartbreaking night ever. Never ko pang naranasan yung naramdaman ko kagabi. (Masyado ba akong EMO? Idc.) Grabe. Ang bigat bigat sa feeling. Sobraaaaaaa. First time kong magtext na nanginginig yung daliri ko. Tapos halos wala na akong mabasa dahil sa luha na nagco-cover sa eyes ko. Grabe. Akala ko wala na. Akala ko tapos na. Akala ko wala nang forever.

Oo. May tiwala ako sa kanya. May tiwala ako na kung maghihiwalay man kami, hindi siya hahanap ng iba. Pero, I just wanna be realistic. ‘Di ba? Dahil sa magiging absence ng communication, hindi malabong may pumalit. Ganun naman lagi eh. Minsan kasi may nagpapasayang iba tapos maffall. Nega ba? Hindi. Realistic lang.

Akala ko talaga kagabi tapos na. I respect my best friend’s comment. May point naman siya eh. Kasi yung ibang lalaki, puro lang pangako. Tapos ayun na. Napako na. Tsk tsk. Puro pangako, wala namang natutupad sa mga pangako nila. Pero, iba kasi si DJ. Kahit na saglit pa lang kaming whatever, alam ko na at may napatunayan na siya – na iba siya.

Sana lang hanggang sa huli, iba siya. Sana maging okay na yung lahat. Grabe. Iyak ako ng iyak kagabi. Well, iyakin ako. Alam niyo ‘yan. Akala ko din kahapon, unsure ako. Hindi pala. DJ over ***. He’s my choice. He’s the one I love. He’s the one I care about. He’s the love of my life. He’s gonna be my forever.

We’re gonna fulfill our plans. We’re gonna travel the whole world. We’re gonna be married. SANA. Kasi ngayon, hanggang SANA palang kami eh. Hanggang plano at pangarap. And I hope someday, I’ll forget that heartbreaking night and all the pain will be worth it.