Hindi ko na din alam kung ano ang nararamdaman ko. -.- Basta kanina.. Nag-iba yung mood ko. Nagsimula dun sa pasalubong na hinihingi ko ke Beb. Well, gusto ko lang naman kahit ano. Kahit kendi nga lang eh. Hindi ko naman kylangan ng mamahaling pasalubong. Gusto ko lang ng kahit ano na maitatabi ko. Yung kahit ano na kapag nakita ko, maalala ko na binigay niya sa akin ‘yun as pasalubong nung nag-EK sila. Well, sentimental kasi akong tao. I swear. Kahit bote lang ng mineral na ininuman namin, tinabi ko. Ganun ako ka-sentimental.
Well. Bakit nga ba nag-iba yung mood ko? Kasi biniro ko siya. Sabi ko, magtatampo ako kapag wala siyang pasalubong. Then he took that seriously. Well, my joke was half serious and half not. Ewan. Ganun naman ata talaga ang joke. Ika nga ni Mama Aidnace, “Jokes are half meant, half not.”
Pero kasi.. Basta. Ewan ko kung bakit biglang pumasok sa utak ko yung illegal thing namin sa parents niya. Siguro dahil sa trending topic sa twitter. Yung hashtag na #OctoberWish. Eh kasi nag-tweet ako. Sabi ko, “#OctoberWish ACCEPTANCE” Saan? Sa pamilya niya syempre. Akala ko, matibay na ako to face the truth na ayaw talaga sakin ng parents niya. Tapos umepal pa yung i-don’t-know-the-title-of-the-movie nila Toni at Zanjoe na pinapanuod ko kanina. May mga problema sa nanay ng boyfriend. Ganun. Edi sapul na naman ako. Hay ewan. Ang peste lang. Ang leshe. I took a shower na din kasi kapag BV ako, ang kadalasan kong ginagawa eh kumain ng ice cream o kali maligo. So, dahil walang ice cream, naligo nalang ako. -.-
Akala ko okay na ako. Though I was a bit okay. Biglang lumabas si Papa from their room. “May nalaman ako sa’yo ah. May boyfriend ka na daw? Mag-aral ka muna. Kapag nakatapos ka na, saka ka mag-asawa.” Yes. I do have a boyfriend. What’s wrong with that? Just because I have a boyfriend, doesn’t mean I won’t finish my studies. Haaaaay. Kaya nga ba alam kong apektado ako sa pagkakabuntis ni Ate eh. Kasi my parents will be overprotective to me. Which is ayokong mangyari. -.o
Naiiyak talaga ako. Sobra. Hindi ko na kasi alam yung tama. Ayokong isipin na hindi ito yung right time para samin. Kasi kung hindi naman kami bibitaw at magiging matatag hanggang dumating ang right time, magiging ayos din ang lahat. Hindi na ako makapaghintay na maging maayos din ang lahat. Sana matanggap na kami sa pamilya niya. Sana hindi na maging selfish ang mundo. Sana ibigay na nila yung happiness na matagal ko nang gustong makuha. Sana sa susunod, wala nang sana. Lahat nalang mangyare.
Ayan na. Naiiyak na ako. Hindi ko kasi alam if it’s heartache o moodswings lang. -.- Gusto ko nalang sumigaw eh. Ibuhos lahat ng nararamdaman ko. Kasi sa totoo lang, nasasaktan pa din ako kapag naaalala kong hindi kami okay sa kanila. Pero pinipilit kong tawanan, ngitian, pinipilit kong maging matatag para sa amin. Kailangan kong maging positive dahil alam ko, magiging ayos din ang lahat. May reason ang lahat ng bagay kung bakit ‘to nangyayari.
Sana.. Please..
Haaaaaaaaaaaaaay. Magiging okay din ang lahat. Walang bitawan. Walang sukuan. They’re gonna be proud of us. I swear. Then one day, all they can say is, “We’re wrong. They’re still together.”
We’ll never let go. We’ll keep holding on. Until everything will be fine. Until the world will accept us. We’ll love each other forever and always.